ANG MGA MUSLIM SA MINDANAO
Muslim Sa Mindanao:
Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng mga Muslim. Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao, partikular ang lalawigan ng Maguindanao Lanao del Sur, Sulu, at Tawi-Tawi (na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng Bangsamoro sa Muslim na Mindanao (BARMM), ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim. Dahil sa malawakang kahirapan, pagkakaiba-iba ng relihiyon, ang pulo ay kinakitaan ng paghihimagsik ng mga komunista, pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.
Sa paksang ito pag uusapan ang mga kaugalian, paniniwala, mga materyal at di materyal na kultura sa mga muslim partikular na sa Mindanao.
Kaugalian ng mga Muslim
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kaugalian ng mga muslim na kasalukuyang nakikita o naoobersba sa kanila:
Ang mga Muslim ay mayroong kaugalian na dapat maging praktikal sa buhay.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kultura na mayroon ang mga Muslim:
Ang mga Muslim ay naniniwala sa pagtanggap sa kamatayan
Ang mga Muslim ay naniniwala na mayroong mga baitang sa ating buhay
Ang mga Muslim ay naniniwala na dapat ipaubaya ang buhay sa Diyos
Ang mga Muslim ay naniniwala sa mga halamang gamot
Ang mga Muslim ay gumagamit ng Arabic calligraphy
Ang mga Muslim ay gumagamit ng konsepto ng iwans.
Kailangan silang sumamba sa Diyos ng limang ulit sa isang araw, na nakaharap sa kinaroroonan ng Mecca. Dapat silang magbigay ng limos sa mga mahihirap. Nararapat silang mag-ayuno sa buwan ng Ramadan. At kung maaari, kailangan nilang mapuntahan ang Mecca kahit na isang pagkakataon lamang sa kanilang buhay.
Ang mga Muslim ay mayroong matibay na paniniwala. Ang mga ito ang nagsisilbing pundasyon ng kanilang relihiyon. Narito ang ilan sa mga paniniwala na mayroon ang Muslim
Paniniwala na mayroong iisang Diyos lamang na may pangalang Allah
Paniniwala na mayroong mga Anghel
Paniniwala sa mga aklat na isinulat ng Diyos, tulad ng Quoran, Gospel, Torah, Psalms
Paniniwala sa mga propeta na ipinadala ng Diyos tulad nina Muhammad
Paniniwala na mayroong Araw ng Paghuhukom, na kung saan ang mga tao ay hahatiin sa dalawa.
*Mga Pangunahing Paniniwala Sa Islam
Ang tunay at matapat na Muslim ay naniniwala sa mga sumusunod na pangunahing saligan ng pananampalataya.
1. Ang Muslim ay naniniwala sa iisang Diyos (Allah ), ang Kataas-taasan at Walang Hanggan, Ang Makapangyarihan, Mahabagin, at Madamayin, ang Lumilikha at Tagapanustos.
2. 2. Ang Muslim ay naniniwala sa lahat ng Propeta ng Allah nang walang pagtangi-tangi. Bawa't pamayanan ay nagkaroon ng tagapagbabala o Propeta mula sa Diyos (Allah ). Sila ay pinili ng Allah upang turuan ang sangkatauhan at upang ipahayag ang banal na mensahe. Ang Banal na Qur'an ay nagsasaad ng mga pangalan ng dalawampu't limang Propeta. Si Propeta Muhammad ang panghuling Propeta.
3. 3. Ang Muslim ay naniniwala sa Anghel ng Allah . Sila ay mga ispirituwal at mga kahanga-hangang nilikha na likas na hindi nangangailangan ng pagkain, inumin o tulog. Iniuukol nila ang kanilang panahon sa pagsamba sa Allah Sila ay may mararangal na tagapaglingkod na may tungkulin. Sila ay nangungusap lamang pagkatapos magsalita ng Allah , at kumikilos lamang bilang tanging pagsunod sa Kanyang iniuutos.
4. 4. Ang Muslim ay naniniwala sa mga kasulatan at pahayag ng Allah . Ito ang mga patnubay na tinanggap ng mga Propeta upang ipakita sa sangkatauhan ang tamang landas tungo sa Allah . Ang Banal na Qur'an ay may natatanging pagbanggit sa mga kasulatan nina Abraham, Moses, David, Hesus (as). Bago ipinahayag kay propeta Muhammad ang Qur'an, marami sa mga naunang Kasulatan at Pahayag ang nangawala na o binago ng tao. Ang tanging tunay at buong mensahe ng Allah na nananatili ngayon ay ang Qur'an.
5. 5. Ang Muslim ay naniniwala sa araw ng Paghukom. Darating ang Araw na ang Mundong ito ay magwawakas. Ang mga patay ay ibabangon upang humarap sa makatarungang paglilitis. Ang mga taong may magagandang talaan ay mabibigyan ng masaganang gantimpala at sila'y papapasukin sa Paraiso ng Allah At ang mga taong may masasamang talaan ay mapaparusahan at itatapon sa Impiyerno.
6. 6. Ang mga Muslim ay naniniwala sa Tadhana mabuti man o masama ito. Ang Allah ay nagbibigay sukat at pasiya sa tadhana ng lahat na nilikha ayon sa Kanyang kaalaman at sa kanyang walang hanggang karunungan. Ang Muslim ay naniniwala sa kapangyarihan ng Allah na magplano at isagawa ang Kanyang plano. Walang magaganap sa kanyang kaharian na salungat sa kanyang nais. Ang Kanyang kaalaman at kapangyarihan ay nananatiling umiiral sa lahat ng kanyang nilikha sa lahat ng sandali. Siya ay maalam at maawain, at ano man ang Kanyang naisin ay may makahulugang layunin. Kung ito ay mailagay sa ating mga isip at puso, tatanggapin natin ng buong pananampalataya ang lahat ng kanyang loobin kahit ito ay hindi natin maunawaan ng ganap.
PAGPAPAKASAL
Ang pagtanggap ng lalaki na aasawahin niya ang babae. Sa pagdaos ng kasal , kailangan ito ay daluhan ng hindi bababa sa dalawang saksing lalaki. Matapos nito , ang lalaki't babae ay naging mag-asawa na sa mata ng batas ng Islam. (Ipinahihintulot na kumuha ang lalaki ng isang tao (lalaki) upang kumatawan sa kanya.)
MGA KONDISYON SA PAGPAPAKASAL Sa kasalukuyang panahon, ang pagpapakasal ay nagiging mas madali para sa mga tao. Ngunit, mayroon pa rin mga ibang kultura at relihiyon na striktong sinusundan ang kanilang mga tradisyon ukol sa kasal. Sa mga relihiyon na iyon, dalawa sa malalaking relihiyon ay sumusunod ditto ay ang mga Katoliko at Muslim. Subalit, maraming tao ngayon ay nababahala sa gawa ng mga Muslim dahil maraming nagsasabi na may mga bagay na hindi “tama” o pang etiko. Ang hindi natin alam ay may mga nga magkasing parehas lang sa atin. At dahil ang Muslim ay ang pinakamalaking relihiyon sa mundo, mahalaga na mas intindihiin natin ang kanilang kultura—lalo’t-lalo na pagdating sa kasal—upang kumonti ang paghuhusga ng mga tao sa kultura ng mga Muslim Ang alam ng mga ibang tao ay maraming pinagbabawalan sa kultura ng Muslim. Subalit, hindi nila nakikita na mayroon rin silang kalayaan lalong-lalo na sa kasal. Ipapakita rito ang mga kondisyon sa kasal ng mga Muslim at ikukumpara ito sa kasal ng mga Katoliko upang maging malinaw sa atin ang dahilan kung bakit ganoon ang kasanayan nila. Ang relihiyon ng mga Muslim, kung saan ay Islam, ay ang sanhi ng pagkakaiba ng mga kondisyon sa kasal ng mga katoliko. Una sa lahat, nakasulat sa Qur’an na ang bata na hindi pa nagbibinata o ang bata na binata na ay maari na pakasalan. Ito ay isang halimbawa na malayo na ang pagkakatulad ng kasal ng Muslim sa kasal ng mga Katoliko. Gayon pa man, may pagkakataon naman gawing sibil ang kanilang kasal katulad ng mga Katoliko. Ayon sa terminolohiya ng Islam, tinatawag nilang nikah ang kanilang pagkakasal. Ang nikah ay pwede gawing sibil lamang kung mayroong silang patunay na nakasulat. Itong patunay na ito ay ang kanilang kontrata sa kanilang nikah. Talagang nakakatulong ang kontrata sa sibil na nikah dahil ito ay humahadlang sa mga sagabal na kumokontra sa nikah ng mag-asawa.
Ang nilalaman ng kontrata ay ang mga kondisyon na karapat-dapat nang pakasalan ang mag-asawa at hindi sila lumalabag sa mga patakaran ng nikah. Mahalaga rin ilagay ang pahintulot ng babaeng ikakasal dahil kung mawawalan ng bisa at silbi ang kasal kung hindi ito nakalagay sa kontrata. Ang pag-sangayon ng tagapag-alaga o wali ay importante rin ilagay sa kontrata. Ang wali ay nagbibigay ng pagkakabisa sa kasal. Makabuluhan din ang pagdalo ng dalawang lalaking muslim na pinagkakatiwalaan. Para sa mga Muslim ang pagbibigay ng dowry o mahr/sadaaq ay mahalaga para sa pagkakaisa ng mag-asawa tuwing kasal. Ang dowry ay pwedeng pera, alahas, pananamit, o kahit anong materyal na bagay. Sa pre-nuptial nagaganap ang pag seguro ng kakayahan sa pagbibigay ng dowry.
May mga kaso na hindi na kinokontrata ang kasal. Ito ay ginagawa sa mga hindi sibil na kasal. Sa mga kasal na hindi sibil nilalapat lang ang kamay sa Qur’an at doon manunumpa ang mag-asawa. Ang modernong kasal ng mga Muslim ay may singsing na katulad ng kasal ng mga Katoliko. Bukod dito, ang resepsyon ay ipinagdiriwang din at talagang pinaghahandaan ito bago ang kasalan. Mapapansin din sa modermong kasal ng mga Muslim ang pagsabit ng iba’t-ibang kulay ng sutla. Katulad din ng kasal ng mga katoliko, hindi pinapakita ang babaeng ikakasal sa asawa niya, itinatago muna ang babae sa kanyang pamilya. Mga kapamilya din ng mag-asawa ay pinapayagang pumunta sa kasal.
Ang Kahalagahan ng Dowry
Ang pagbibigay ng dowry, o ang tinawag na jahaz, ay isang simbolo ng pagpapahayag ng wagas at malinis na intensyon sa mapapangasawa. Ayon sa isang artikulong pinamagatang Dowry (Mahar) From An Islamic Perspective, at ang may-akda ay hindi nabanggit, ang pagbibigay ng dowry ay isang legal na obligasyon. Ang dowry ay mabisa na kapag balido na ang kontrata sa kasal. Sa kabila ng pagiging prestihiyoso ng kaugaliang ito, ito ay hindi kasama sa mahahalagang “pillars” ng pag-aasawa o ang tinatawag na rukun. Ang Islam ay hindi nagtatakda ng minimong dowry na dapat sundin ng mga Muslim. Ang pagbibigay nito ay ayon lamang sa kalooban ng dalawang indibidwal. Ngunit inirerekomenda ng Islaw na huwag masyadong taasan o babaan ang halaga ng dowry.
Konklusyon:
Ang kasal para sa Muslim ay pareho sa mga ibang kasal ng iba’t ibang relihiyon. Lahat sila mayroon maraming kondisyon. Para sa mga Muslim binibigay kahalagahan sa mga kondisyon tulad ng makuha ang paalam ng mga magulang at makakuha ng tagapamagitan. Ito ay para garantiya ng isang matagumpay na kasal para sa mag-asawa.
Sinusundan din ang mga kasanayan katulad ng nagbibigay ng singsing at pinapayagan pumunta ang kapamilya ng mag-asawa sa kasal. Pareho ay importante dahil ito’y nagbibigay ng simbolo ng pag-ibig ng mag-asawa at tumutulong sa unyon ng dalawang pamilya. At siyempre mayroon din pinagbabawal bago magsimula ang kasal. Hindi pwede magkasal ang kapamilya at mayroon ng asawa.
Lahat ito ay ipinipakita na ang mga Muslim na tradisyon para sa kasal ay may isa lang layunin. At iyon ay para mahaba at masaya ang buhay ng mag-asawa katulad ng mga tradisyon ng ibang relihiyon. Kahit may ibang kasanayan o kataka-taka ang mga tradisyon nila kailangan natin ibigay respeto sa kanilang kultura at relihiyon.
KONDISYON SA KASAL
Aisha, B. (n.d). The marriage contract: its basic elements. Retrieved from http://www.missionislam.com/family/marriagecontract.htm
Al-Islam. (2014). Marriage (part I of II). Retrieved from http://www.al-islam.org/islamic-laws-ayatullah-al-uzma-sayyid-ali-al-husaini-seestani/marriage-part-i-ii
Encabo, V. (2014, August 3). Email interview
Huda. (n.d). The islamic marriage contract. Retrieved from http://islam.about.com/od/marriage/a/contract.htm
MMC. (2008). The model muslim marriage contract. Retrieved from http://muslimmarriagecontract.org/contract.html#written_proof
Zaatari, S. (n.d). The age of marriage, is there a contradiction?. Retrieved from http://muslim-responses.com/The_Age_of_Marriage_in_Islam/The_Age_Marriage_in_Islam_
Naiwasto na.
ReplyDelete